BlueCrown

I made a comment about the story ". - ." on Wattpad:aba at napadpad ka dito HAHAHAHAH badtrip xD74 people have read this on WattpadRead Now

I made a comment about the story ". - ." on Wattpad:

aba at napadpad ka dito HAHAHAHAH badtrip xD

74 people have read this on Wattpad
Read Now

KalogZFM 1sT GrandEyeball

April 21 - 22, Rio Villanuevo, Tambo Kulit, Indang, Cavite. Ako ang nagorganize ng GEB na to. Hindi biro ang pagaayos ng ganitong event, 15.5k ang pinadala saken ng mga sponsor para sa venue, foods, drinks, transpo etc. una ako ang namalengke, nagpasama lang ako sa isa sa mga tropa ko tapos pinatago ko sakanya lahat ng pinamili naming pagkain para sa GEB. Tapos nakipagusap ako sa pagrrentahan namin ng jeep at inayos ang Sched, nagpareserve na din ako ng isang pavillion at isang room para sa venue, pagkatapos nito Kinasa ko na agad ang Eyeball at nagpagawa na ng tarp.
nakalagay sa Reservation Reciept “Expected Persons: 25” pero ang nakasama sa GEB na yun kung di ako nagkakamali nasa 54 - 58 :)
Ang dami no? At ang kadimahan sa mga sumama puro taga Caloocan. From Caloocan hanggang sa Indang, Cavite sumama sila para sa GEB. grabe ang effort. At hindi lang yan, 38 sa Blazin Family ang sumama at nagdala sila ng sound system + laser lights. grabe para nilang dinala ang Padis Point sa Indang. Sobrang saya ng gabing yun, nagenjoy ako makipagkulitan sa sobrang lamig na running water pool. sobrang memorable lang ng GEB na yun. ang plano ko hindi ako matutulog kaso around 3am sumakit na katawan ko, bukod kasi sa ako ang nagorganize di ako pumayag na utos lang ako ng utos sa mga kasama ko, nung umaga nagpahatid ako sa transpo namin, kinuha namin yung anim na gallon ng tubig sa bahay ko kasama yung mga gagamitin sa pagluluto tapos dumaan kami sa isang subdivision para sunduin lahat ng taga Trece Martires na mauuna sa venue para magluto. Pagkatapos nun rekta na sa DasmariƱas para sa meetup ng mangagaling sa Carmona at Manila. Nung nakumpleto na kami dumaan muna kami sa Bayan ng TMC, kinuha ko yung 5k na padala ng sponsor tapos bumili ako ng Dalawang Cake tapos sinundo yung isang gustong sumama. Grabe lang, sana maulit yung event na yun, gusto ko sana sa Manila ang sunod na venue para madaming makasama lalo. kaso wala naman akong alam sa manila, tubong cavite ako at di naman ako palagalang bata xD


Late Blogposts

Yea late ako nagppost lagi ng blogs, busy akong tao at bukod dun kilala nyo ako bilang batugan, mas gusto ko pang manood ng naruto kesa magpost ng kung anu ano dito xD


AMA Computer College

BSIT na ako sawakas! 1st Year/1st Sem sa DLSU-D ako nagaral, HRM ang kinuha ko kasi yun yung gusto nila mama kaso di ko pinasa kasi ayaw ko talaga nun. Hindi naman pwede magshift agad ng course sa Lasalle kasi 1st Sem pa lang, Hindi rin ako nakapasa nung Entrance Exam para sa BSIT dun kaya lumipat ako ng School. Dapat sa LPU-Cavite ako kaso late enrollee ako, nakakatamad ng magenroll daming proseso may dagdag bayad pa. Kaya nagtry ako sa AMACC, sabi kasi nila maganda daw magaral ng BSIT dun, at halos lahat ng kilala kong magagaling na webdeveloper ay nagaral sa AMA kaya nagenroll agad ako. Trisem sya, Maaga pasok, late ang bagasyon na sobrang saglit lang. Sobrang daming adjustments, nakakapanibago, mula sa buong building, subjects, process ng pagkuha ng kung anu ano like COR, pageexam (online), at higit sa lahat yung pakikisama. Apat na section kasi pakikisamahan ko, ireg ako. Pero masaya naman kahit medyo mahirap enjoy pa din ako kasi after ng matagal na pagaantay eto na BSIT na ako, Di ko na sasayangin to :)


SmartBro’ken’

Hell’yea after ng 2 hours na tutok kong pagccode ng CMS Type script gamit yung mga natutunan ko nung 1st sem sa AMA eh nasayang lang :| direct akong naglalagay ng codes sa Cpanel. pagsave ko ng auth.php biglang nawalan ng connection, di ko nabackup yung cinode ko ng sobrang tagal. di ko man lang natesting kung gumagana, Nakakawalang gana. 3 days ng ganito ang Smartbro ko. lagi na lang. 1am-4am ang Airing time ko sa KalogZFM pero di ako makapagon air ng ayos kasi laging nawawalan ng connection at isa pa walang makakapagsub saken kapag nawalan ako ng connection. DAFUQ! Y U NO GO STABLE? Nagapply ako sa PLDT ng connection kaso hanggang ngayon wala pa din, “magantay pa ng konti”. pshhh lagi namang ganyan sinasabi saken kapag pinapafollow up ko :3 whatever :|


KalogZ.2k9

Nabuo ang Tropang KalogZ.2k9 nung 3rd year highschool ako. Sampu kaming lalake at tatlo ang babae, madalas kaming gumala twing weekends, sama sama kapag may event sa loob at labas ng school etc. kahit nung naging 4rth year na kami at nagkahiwahiwalay ng section wala pa din kaming pinagbago, gala kung gala medyo nabawasan nga lang pero yung samahan namin ganun pa din. kahit nung naging college na kami at nagkalayo layo, may mga naiwan dito sa Cavite, may mga nagManila, meron naman sa probinsya, magkakaibang school, magkakalayo pero kapag nagsama sama talagang todo kami gumala, yung tipong pagkatapos namin kumain eh kakain ulit kami tapos maglalakad pauwi. tatambay sa kanto tapos maghahanap ng computer shop at uuwi ng alas kwatro ng madaling araw. Walang halong kalokohan, Bonding kung bonding. may mga hindi na nakakasama pero ayos lang.

Masarap sa pakiramdam na magkaron ng solid na barkada, yung malalapitan mo kapag inaatake ka ng pagkabaliw. yung susugurin ka sa bahay nyo kahit di ka pa naliligo, yung makakasama mo magfoodtrip kahit saan. yan ang Kalogz.2k9


YFC

Naging YFC ako december 2009. Naging Active ako sa service, unang camp naatasan akong maging Facilitator. Tapos sumunod na Camp nagAssistant Faci ako, Naranasan ko na din maging Part ng music ministry as guitarist. then after nun sumama din ako sa ibat ibang events, gatherings, conferences. pagtapak ko ng 1st year college nahirapan ako dahil sa schedule ng pagpasok ko kaya naging inactive ako. Then isang beses habang nasa galaan ako kasama ng barkada biglang tumawag yung classmate ko na YFC, sabi nya saken kung pwede daw ba akong maging Music Ministry Head this camp. Nung una nagdalawang isip ako kasi alam ko sa sarili ko na inactive ako, mas madaming mas deserving kesa sakin, kaya sabi ko pagiisipan ko, paguwing paguwi ko nagmuni muni ako sa kwarto ko kasama yung gitara tapos nun tinext ko yung classmate ko na sabi ko okay na payag na ako. Sobrang blessed ko lang kasi sakin binigay yung position na yun, hindi ko inaasahan lahat. Sobrang saya din nung camp kasi yung kaibigan ko na iniinvite ko na dating dati pa napilit ko din sumama (libre ko yung reg fee :| )


Some people just need a high-five. In the face. With a chair.


Reblog if God has done amazing things in your life.

(Source: thecommonsenseconservative)

Via A Freudian slip.

A new me. Fresh like dougie \m/


124
To Tumblr, Love PixelUnion